Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Tampok

DAPIT-HAPON

DAPIT-HAPON Malapit na namang lumubog ang araw Ang mga mata’y sa malayo nakatanaw Darang ng Liwanag ay unti-unti ng lumalamlam Parang isang paalam, isang malungkot na paalam Haplos ng hanging dumadampi sa aking mga pisngi Mistulang sumasabay sa aking paghikbi Pilitin mang pagningasin, tuyo na ang damdamin Wala na sa landasin, di matapos ang dalangin Ala-ala ng kahapon ay ikinulong na sa kahon Inagos na ng ilog papaba sa isang talon Subalit ang multo nito’y nagpupumilit bumabalik Di ko maintindihan, di maisulat ng mga titik Sa pagpatak ba ng aking mga luha, ako ba'y iyong makikita? Sa pagkawasak ng aking puso, ako ba'y iyong madarama? Sa pagsigaw ng aking mga salita, ako kaya’y maririnig? Sa pagkawala ng aking hininga, yakap mo bay aking makakasama? . . . . . . . . . . . ako ay iidlip, mananalangin, sa langit kita hihintayin!

Mga Pinakabagong Post

Love Story 1 to 10

Nagkamali Ako [Poem]

Painter [Poem]

Sa Kanlungan ng Dilim

Birthright - [Poem}

Dysphoria - [Poem]

Whirlwind Romance - [Poem]

The PROMISES of MARRIAGE

Tamis ng Unang Halik

Yumi’s Crib