Singsing ng nakaraan - [Short Story]
"Kamusta ka?"
Unang bati niya sa akin pagkatapos ng mahabang panahon na hindi kami nagkita habang pababa kami sa aking kotse.
Lumingon lang ako sa kanya sabay sambit na..
"Maayos naman at mahal ka pa din hanggang ngayon..."
Minabuti kong ibaling ang aking tingin sa Mt. Taal kaysa hintayin ang sagot niya sa sinabi ko.
Binagtas namin ang magandang luntian sa Tagaytay. Sa baba makikita ang mga taong nag-aayos, may okasyon yatang magaganap ngayong araw. Lahat sila nakangiti parang walang dinadalang problema sa buhay.
"Kayo, Kamusta naman?"
"Wala na kami, 1 year na."
Muli ko siyang tinignan, Suot niya pa din ang mga bagay na ibinigay ko sa kanya, Ang simpleng hikaw at kwintas na ibinigay ko noong huli kaming magkita bago siya nakipaghiwalay. Kasama din ang pink na relo na ibinigay ko noong kaarawan niya. Higit sa lahat, suot niya pa din ang singsing simula noong naging kami pa.
Napangiti na lang ako ng makita ko ang mga bagay na ibinigay ko sa kanya.
Madaming ng nagbago sa kanya, lalo siyang gumanda at nagmatured. Hindi na siya ang taong minahal ko dati na isip bata, mataas ang pride at puro mali ang nakikita niya sakin.
"Kamusta lovelife mo?"
"Hinihintay ko ang taong nagpabago sa akin, Yun taong tinuruan akong magpakatatag pagkatapos niyang umalis sa buhay ko. Ang taong nagturo sa akin na totoo ang pag-ibig.."
Ngiti lang ang sinagot niya sa mga sinabi ko.
"Ang laki na pinagbago mo, lagi ka ng nakangiti. Malaki na din ang katawan mo. For sure madami nagkakagusto sa iyo."
"Ginawa ko ang lahat ng pagbabago para sa iyo, pati ang ayaw mo sa akin, ang pagiging suplado at masungit ko".
Its been 4 years since pinili niya na makipaghiwalay sa akin dahil sa 3rd party. Sobrang sakit sa akin ang mga unang linggo pagkatapos niyang magdesisyon. Mahirap ipilit ang sarili sa wala ng lugar sa puso niya kaya minabuti kong palayain siya sa akin kahit na sobrang mahal ko.
Tanda ko pa nagawa ko na magpatiwakal dahil isang tao ang nawala sa akin, si Pinky. Ang taong minahal ko nang lubusan. Ang taong mahal ako. Ang taong iniwan ako. Ang taong nagturo sa akin kung ano ang pag-ibig.
Kahit na malapit lang ang bahay namin sa isa't isa. Pinilit ko na huwag siyang makita bilang tulong na din sa sarili ko. Habang nakikita ko siya, lalo ko siyang ninanais mayakap at mahalikan, pero hindi na ganun dahil may iba na siya. Gayundin, maging sa pag-uwi ko, di ko maiwasan makita dahil malapit lang sa MRT ang kanyang trabaho, isa siyang pharmacist. Wala akong magagawa siguro kailangan ko magpakatatag, ngumingiti lang ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita.
Apat na taon ang ginugol ko para ayusin ang sarili ko, Hinanap ko ang mga bagay na wala sa akin na nahanap niya sa iba. Nakapagtayo na ako ng sariling bahay sa sarili kong pagsisikap. Nakabili na din ako ng mga gamit ng magiging anak ko. Lahat ng iyon ay ginawa ko kahit wala akong kasiguruhan sa hinaharap ko. Nakaipon na din ako ng pera para makapagtayo ng manukan at babuyan. Walang masama kung may livestocks ako sa probinsya.
Apat na taon na wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko, Ang pagmamahal na maaari ko ibigay kahit kanino. Tangan ko pa din ang alaala ng kahapon pero nakalimutan ko na ang kanyang pangalan. Tanging positibo lang ang dala ko hanggang ngayon. Masasabi ko na hindi na ako ang dati na "easy come, easy go". May direksyong na ang buhay ko, Salamat sa kanya, kay Pinky.
Apat na taon, taon kung kailan handa niya iwan ang pagiging single at lumagay na sa tahimik. Hindi ako umasa,pero tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin.
"Sa tingin ko, hindi mo na dapat sinusuot yang singsing na yan!"
"Eh, bakit ikaw suot mo pa? Saka bigay mo sa akin to, diba!"
Wala akong sinabi habang nakatingin sa baba, mga taong patapos na sa pag-aayos para sa isang okasyon.
Nanatili lang kami doon habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa Tagaytay. Masarap sa pakiramdam ang mga tanawin kasabay pa ng malamig na ihip ng hangin,
"Pede ko bang tanggalin mo muna yang singsing at ibigay muna sa akin?"
Tinignan niya lang ako sa mata na may halong pagtatanong habang tinatanggal niya ang singsing at ibinigay sa akin. Sa kanyang singsing nakaukit ang pangalan ko, samantalang ang sa akin ay pangalan niya. Tinanggal ko din ang aking singsing. Masikip at mahirap na tanggalin.
Nasa palad ko na ang dalawang singsing, tanda ng pagmamahalan namin. Tinignan ko siyang muli at pagkatapos ay buong lakas kong ibinato ang dalawang singsing sa malayo, na hindi na kailanman makukuha nino man. Kita sa kanya ang galit at inis sa ginawa ko,Ang bagay na mahalaga sa amin ay tinapon ko tulad ng ginawa niya sa akin.
Lumuhod ako sa kanya at nagwikang "sorry". Lumuha lang siya at hindi magawang nakatingin sa akin. Sadyang importante yata ang bagay na mayroon sa amin.
Ipinasok ko ang aking kamay sa bulsa ng aking polo, Inilabas ko ang makinang na bagay sa aking bulsa at dahan dahan isinuot ito sa palasingsingnan ni Pinky.
"Will you marry me?"
Tumingin siya sa akin ng dahan dahan, kasabay nito ang pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata. Luhang ngayon ko lang nakita makalipas ng mahabang panahon ng paghihintay.
Sa hindi kalayuan, naaninag ni Pinky ang mga kilala niya, Tatay at nanay niya, kasama ang mga matatalik nitong kaibigan, Maging ang mga magulang ko ay nakita niya. Lahat sila nakangiti sa kanya.
Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Yakap ng pagtitiis.
Hagulgol lang ang sinagot niya sa akin.
"Mahal kita hanggang ngayon, Pinky, Hinding hindi magbabago iyon"
Hinalikan ko siya ng walang sing-tamis sa labi kasabay ng pagputok ng mga fireworks sa langit. Tanging liwanag nito ang makikita sa pagsapit ng dapit-hapon.
Masarap sa pakiramdam.
Ang lahat ng hirap...
pagtitiis...
sakripisyo...
ay balewala dahil sa kanya.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento