Nagkamali Ako [Poem]
Nagkamali ako,
maling-mali.
Maling hiniling ko sa diyos na ikaw na ang bahala sa kanya..
Mali ang inakala kong aalagaan at mamahalin mo siya..
Sa likod ng maamo mong mukha nagtatago ang mapagpanggap na kasinungalingan
Sa likod ng mga kabaitang pinakita nagkukubli ang isang masamang hangarin.
Hindi siya pagkain na dapat tikman at iiwanan sa oras na di ito nagustuhan.
Tao siya na minahal ka sa pag-aakalang mamahalin mo rin siya.
Hindi siya katulad ng iba na parang laro lang lahat.
Dahil nasaktan siya matapos mong kunin ang lahat.
Kung maibabalik ko lang ang oras at panahon.
Pipigilan ko ang kung anuman ang pwedeng mamagitan sa inyo.
Pagkat ang iyong hangarin ay di totoo.
Nagkamali akong bumitiw sa kanya
At
Hinayaang mahalin ka.
Pagkat sa oras na ito di na maibabalik pa ang kung anumang nasira at ikaw ang may gawa.
Kulang pa ang paghingi ng tawad sa nagawa mo pero ang kapal ng iyong mukha pagkat ang salitang kapatawaran ay di man lang nabitawan.
Bagkus ipinagmalaki pa ito sa mga katulad mong hayok sa laman.
Walang kapatawaran ang ginawa mo sa taong pinahalagahan ko ng lubos.
Di ka dapat ituring na kaibigan bagkus dapat kang ituring na basura.
Basurang may bulok na pang-unawa
Basurang may maling konsepto ng tama at mali..
Ang pagkakamaling nagawa ko ay di na muling mauulit pa
Dahil ito na ang huling masasaktan mo siya.
Kamao ko muna ang iyong madadampian bago ang kanyang mga kamay.
Kaya't humayo ka at maglaho sa aking paningin.
Pagkat sa huli ang tunay na nagmamahal sa kanya ang mananaig.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento