Tamis ng Unang Halik



“Oo na.” mahinang sambit ni Martha kay John.

“A-ano yon?” nauutal na tanong ng binata

“Oo na nga, tayo na.” kilig na kilig na ulit ng dalaga

Hindi makapaniwala si John sa narinig mula sa dalagang ilang buwan nya na rin sinusuyo. Nagbunga rin sa wakas ang araw-araw na pagsundo nya sa dalaga mula sa classroom hanggang maiuwi ng buo sa kanilang bahay. Hindi rin pala nasayang ang capital nyang sine at mcdo para palambutin ang puso ng dalagang noo’y takot na takot umibig dahil una syang magiging kasintahan nito pag nagkataon.

“Sigurado ka na ba
Martha? Hindi na ba magbabago ang isip mo?” paglilinaw ng binata habang mahigpit na hawak ang gitarang kanina nya pa tinipa dahil sa panghaharanang ginawa.

“Ang kulit mo naman John eh, O-o na nga diba? Mahal din kita.” hindi na maitago ni
Martha ang pamumula ng kanyang pisngi sa kakiligan, unang pagkakataon din kasi nyang makaka-boyfriend kaya hindi pa alam kung paanong klaseng expression ang tamang ipakita habang sumasagot ng manliligaw.

“Yes!” pasigaw nyang sambit. “Mahal na mahal kita
Martha. Pangako hindi mo pagsisishan ang oras na pagsagot mo sakin.”

Hindi na talaga maitago ng dalaga ang kanyang nararamdaman kaya nayakap nya ng mahigpit ang ngayo’y kasintahang si John. Tanda nya pa ang unang araw na magtapat ito sa kanya. Araw ito ng mga puso at may activity sila sa church na pareho nilang kinabibilangan.

February 14, 2014, valentine activity ng kanilang church at isa si John sa mga nagbigay ng isang awitin. Titig na titig si
Martha kay John habang ito ay kumakanta. Hindi nya expected na maglalakas loob itong lumapit sa kanya at mag-alay ng isang bulaklak. Nahihiya man sya nun mga oras na yun pero mas nanaig ang kakiligan sa kanya. Ngayon lang nya naexperience ang pagalayan ng kanta at rose sa harapang ng kanyang mga kapamilya at churchmates.

Ewan ba ni
Martha kung baket hanggang sa mga oras na ito ay sariwang-sariwa pa sa kanyang ala-ala ang mga oras na yun. Kung sasagot sya marahil sa isang SLUMBOOK ngayon ay ito ang isasagot nya sa tanong na “What is your most unforgettable experience?”

Hindi mapigilan ni
Martha ang pagtulo ng kanyang mga luha kaya nang maramdaman ni John na umiiyak si Martha ay agad itong kumalas sa kanilang pagkakayakap.

“Oh baket ka umiiyak? Don’t tell me nagsisisi ka sa pagsagot mo sa akin? Break na ba tayo agad?” malungkot at seryosong tanong ni John.

“Hala, adik naman to. Masaya lang ako, tears of joy kaya to.” tugon ni
Martha.

“Akala ko naman ayaw mo na agad eh, hindi mo pa naman ako natitikman.” pabirong hirit ng binata.

“Hoy manahimik ka nga dyan, mamaya marinig ka ni lola mapagalitan pa tayo nun. Pero ano ba yun hindi ko pa natitikman?” pagsakay naman na biro ng dalaga.

“Basta mamaya bago ako aalis. Surprise yun.”

“Ang adik talaga nito. Baka mamaya censored yan ah, bata pa ko. Haha.”

Nagkatawanan na lamang ang dalawa sa kanilang naging biruan. Pero bago pa man matuloy sa kung anong sinaryo ang usapan ng dalawang bagong magkasintahan ay muling tinipa ni John ang kaninang hawak na gitara at muling inalayan ng kanta si
Martha. Inspiradong-inspirado si John sa kanyang pagkanta habang nakatitig sa nobyang mala napakaganda kung ngumiti.

Nang matapos ang activity sa kanilang church ay hinatid na ni John si Martha sa kanilang bahay. Ngunit para bang mahirap na sa kanila ang maghiwalay kaya tumigil muna si John sa bahay nina Martha at patuloy na kinakantahan ang dalaga. Kilig na kilig si
Martha sa ganda ng boses ng nobyo at sa lyrics ng kantang inalay para sa kanya. Walang paglagyan ang kanyang kasayahan, napuno na nito ang kanyang puso at ngayo’y umaapaw na. Kung pwede lang bumaha ng kasayahan ay malamang nalunod na sila pareho ni John.


Tomorrow morning if you wake up,
And the sun does not appear
I, I will be here

If in the dark we lose sight of love,
Hold my hand, and have no fear
Cause I, I will be here

I will be here when you feel like being quiet
When you need to speak your mind,
I will listen and
I will be here when the laughter turns to cryin'
Through the winning, losing and tryin'
We'll be together 'cause I will be here

Tomorrow morning if you wake up,
And the future is unclear
I I will be here
As sure as seasons are made for change,
Our lifetime's are made for years
So, I I will be here

I will be here and you can cry on my shoulder,
When the mirror tells us we're older,
I will hold you and
I will be here to watch you grow in beauty
And tell you all the things you are to me
I will be here

I will be true to the promise I have made
To you and to the One who gave you to me

I I will be here

And just as sure as seasons are made for change
Our lifetime's are made for years
So, I I will be here we'll be together

I will be here

Martha anong oras na, hindi pa ba uuwi yang bisita mo?” isang tanong mula sa kanilang likuran.

Parehong nagulat ang dalawa sa kanilang narinig. Pareho rin silang nagbalik sa lupa mula sa heaven na pakiramdam. Agad napatigil si John sa pagkanta at napatayo.

“Magandang gabi po.” magalang na pagbati ni John sa lola ni
Martha.

“Lola kanina ka pa dyan?” napakamot sa ulong tanong ni
Martha.

“Kabababa ko lang naman. May narinig kasi akong ingay kaya ako napababa.. Kanina pa yan bisita mo, hindi ba yan hahanapin sa kanila?” mataray na tanong ni lola.

Nahihiya man at naiinis si
Marthar pero kailangan intindihin ang kanyang lola. Mag-alos-dose na rin naman nun oras na yun at kelangan din ni lola ang magpahinga.

“Ah lola uuwi na rin naman po sya.” Sagot na lang ni
Martha sa lola

“Pauwi na rin po ako.” muling magalang na sagot ni John. “Sige po lola uuwi na po ako,
Martha mauuna na ko.” pag-papaalam nito.

“Lola hatid ko lang po si John.”

Matapos makapag-paalam ay dali-daling hinila ni
Martha si John palabas ng kanilang bahay. Hindi alam ni Martha kung maiinis sya o matatawa sa inasal ng kanyang lola pero alam naman nyang gusto rin ng lola si John para sa kanya. Sadya lang talagang late na rin kaya nagtaray na ang matanda.

“Pasensya ka na sa lola ha, minsan may pagka-KJ rin yun eh saka medyo conservative.” dspensa ni
Martha sa nobyo.

“Ok lang yun. Naiintindihan ko naman sya, saka mali rin ako kasi napalakas ang pag-gigitara ko sana pala hininaan ko lang.” pangisi nyang biro.

“Dame mo talagang biro. Oh sige na, uwi kana kasi oorasan ako nun ni lola kapag nagtagal pa ako dito sa labas, baka bigla ka na nun hampasin ng tambo.” pananakot ni
Martha kay John.

“Hala manakot daw ba? O sige uuwi na po ako at ayoko mabad-shot agad sa lola mo.”

“Ok, ingat ka.”

“Sige bye.”

“Bye.”

“Bye.”

“Eeh, nagba-bye kana diba?”

“Ay oo nga pala.”

“Sige bye na talaga.”

“Ok bye na talaga ha?”

Nakailang hakbang na muna palayo ang lalaki bago tumalikod si
Martha. Papasok na sana ito sa loob ng bahay ng bigla syang tawagin ni John.

Martha!”

“Oh baket?” taka nitong tanong.

“Nakalimutan ko yun surprise ko eh.” matapos magsalita ay agad nitong hinalikan ang dalaga sa kanyang labi. Matapos makanakaw ng halik ay agad itong tumakbo palayo at sumigaw ng “I LOVE YOU
MARTHA!”

Parang nahypnotize si
Martha sa bilis ng mga pangyayari. Hindi na abot ng kanyang tanaw ang kasintahan ngunit nandun pa rin sya sa tapat ng kanilang pinto at parang tangang nakatayo. Hindi nya inaasahan ang nangyari, ito ay ang kanyang unang halik. Hindi nya maipaliwanag ang pakiramdam. Ramdam pa rin nya ang malambot na mga labi ni John sa kanyang mga labi.

-end-

Mga Komento

Kilalang Mga Post