Daloy - [Essay]



Dalisay at walang hugis. Tila isang salamin at halos hindi mo kayang ipunin sa iyong palad. Kalmado at tahimik. Yan ang katangian ng tubig.

Maraming gamit ang tubig sa pamumuhay natin. Malaki ang kontribusyon nito sa sankatauhan. Isa din ito sa pangangailangan ng bawat tao. Hindi mo ba natatanong sa iyong sarili, iyon lang ba talaga ang silbi ng tubig sa tao?

Karamihan sa atin itinuturo pa lang sa paaralan, maging sa pamilya ang kahalagahan ng isang patak ng tubig. Itinuturing itong isa sa kayamanan ng bawat bansa... isang malinis na tubig.

Kasama sa araw-araw na pamumuhay tulad ng paglalaba, pagdidilig, pamamaligo at kung ano pa na nangangailangan nito. Ito ay nakakakabit sa sistema ng bawat tao. Kung walang tubig, wala tayo.

Ang katawan natin ay nangangailangan din ng tubig. Maging ang mga halaman at hayop, pati na ang lupang uhaw. Hindi maitatangging mahalaga ito.

Masdan mo ang tubig. Kalmado at malinis. Walang buhay pero may gustong sa sabihin. Subukin mong galawin sa pamamagitan ng kamay. Dama mo ang lamig at sa sandaling dumikit ang kamay mo dito, hindi mo maiiwasan gumalaw. Kahit dahan dahanin mo, gagalaw pa din. Subukan mong itapat ang mukha mo, sarili ang nakikita mo. Ano ang katangian ng tubig na hindi nabibigyang halaga?

Unang emosyon na natutunan natin ay ang pag-iyak simula ng inilabas tayo sa sinakupunan ng ating ina. Hindi pilit, kusang lumabas mula sa atin. Natuto tayong ngumiti, maging masaya, magalit at masaktan. Habang tumatagal, dumadami ang emosyong nararamdaman. Walang hugis, walang kulay at hinding hindi mapipigilan.

Tulad ng isang malinis na tubig, totoo din ang emosyon napapakita natin. Hindi mo mapipigil ang agos ng tubig sa ilog tulad ng emosyon. Hindi mo kayang itipon sa palad mo ang tubig, may matatapon at mawawala. Sa bandang huli ni isang patak sa palad mo ay mawawala din.

Bakit mo pinipigilan ang iyong emosyon? Bakit mo tinatago mo sa sarili ang lahat kahit na alam mo naman sa huli ay mailalabas?
Ang sarili mo mismo ay pumipigil sa nararamdaman mo. Dahil sa takot ng pagbabago, anino ng nakaraan at hapdi ng kahapon. Dahil dito hindi mo na kilala kung sino ka. Hinahayaan mo ang emosyon ang humubog sa iyo, sa pagkatao mo. Hanggang sa dumating ang puntong tuluyan ka ng nilamon ng iyong emosyon.

Pansinin mo ang tubig sa batis, payapa.
Pansinin mo ang tubig sa talon, malakas.
Pansinin mo ang tubig sa dagat, malikot.

Bakit hindi mo hayaan dumaloy ang iyong emosyon tulad ng isang tubig? Tulad ng dugong dumadaloy sa ugat mo. Hindi magdudulot ng masama kung hahayaan mo ito. Nguniit tandaan mo man hangganan ang lahat.

Masarap sa pakiramdam kapag walang sagabal at walng pumipigil sa sarili. Dahil mas kilala mo ang sarili mo higit nino man. Alam mo kung tama o mali ang ginagawa kung totoo ka sa mararamdaman mo. Tulad ng tubig kapag iyong pinigilan, gagawa ng paraan o daan para dumaloy ulit ito. Tulad din ito ng damdaming nararamdaman mo sa ngayon, pinipigilan mo pero sa ibang paraan mo nailalabas.

Itapat mong muli ang sarili sa tubig, sino ang nakikita mo?
Kalmado diba?




Sometimes we just have to control our feelings for someone. Truth is, our feelings doesn't know what's right or wrong. That's why our minds reason with us so there can be balance.
Otherwise, we would always trip as we aimlessly follow what our hearts dictate.

Mga Komento

Kilalang Mga Post