DAPIT-HAPON


http://sh.st/4YMeC




DAPIT-HAPON

Malapit na namang lumubog ang araw
Ang mga mata’y sa malayo nakatanaw
Darang ng Liwanag ay unti-unti ng lumalamlam
Parang isang paalam, isang malungkot na paalam


Haplos ng hanging dumadampi sa aking mga pisngi
Mistulang sumasabay sa aking paghikbi
Pilitin mang pagningasin, tuyo na ang damdamin
Wala na sa landasin, di matapos ang dalangin


Ala-ala ng kahapon ay ikinulong na sa kahon
Inagos na ng ilog papaba sa isang talon
Subalit ang multo nito’y nagpupumilit bumabalik
Di ko maintindihan, di maisulat ng mga titik


Sa pagpatak ba ng aking mga luha, ako ba'y iyong makikita?
Sa pagkawasak ng aking puso, ako ba'y iyong madarama?
Sa pagsigaw ng aking mga salita, ako kaya’y maririnig?
Sa pagkawala ng aking hininga, yakap mo bay aking makakasama?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ako ay iidlip, mananalangin, sa langit kita hihintayin!

Mga Komento

Kilalang Mga Post