Fireworks - [Essay]



Masarap pagmasdan ang mga bituin sa langit lalo na kapag kasama mo ang minamahal mo sa gabi. Sasabayan pa ng malamig na simoy ng hangin na halos tumatagos hanggang sa buto. Masaya sa pakiramdam, hindi mo maikakaila iyon. Pano kung habang nakatingala kayo sa langit, sasabayan pa ng mga “fireworks” ang liwanag ng mga bituin sa langit. Napaka-romantiko at halos hindi maipinta ang kasiyahan iyong nadarama, tama ba? Ibat ibang kulay ang inyong makikita na nagpapatingkad sa kagandahan ng dilim sa gabi.

Ang bituin at “fireworks” ay nagbibigay kulay, liwanag at saya sa dilim ng gabi. Ngunit kapansin pansin ang “fireworks” sa lahat. Kapansin-pansin din na halos hindi nagtatagal ang “fireworks” sa langit. Sa bawat pagputok nito, liwanag ang ibinibigay nito, ngunit habang tumatagal, dahan dahan nawawala ang liwanag habang bumababa ito. Nakakalungkot isipin na bakit hindi na lang manatili sa langit ang mga “fireworks” tulad ng mga bituin. Marahil may ibig pakahulugan ang fireworks sa buhay natin.

Napapangiti tayo kapag may iniibig. Halos ito ang nagbibigay ng kulay sa mundo gustong tahakin. Masarap sa pakiramdam, nagbibigay liwanag sa buhay. Tinanggap natin ang pag-ibig ng buong puso, ng walang bahid nang pag-aalinlangan.
Ngunit may pagkakataon sa isang relasyon na may aalis at magpapaalam. At dahil dito, ang dating liwanag ay muling mababalot ng dilim at ang dating saya ay mapapalitan ng lungkot at pighati. Normal lang na maramdaman ito sa taong tunay na nagmamahal. Normal lang ito sa totoong nagmamahalan, ang makaramdam ng sakit at lungkot.

Habang ikaw ay nasa relasyon, matuto kang pahalagahan kung anong maibibigay nito sa iyo. Makuntento kung anong meron at wala. Hindi lahat ng bagay ay makukuha sa isang iglap lamang. Matutong maging masaya habang nasa iyo pa. Hindi mo masasabi kung kelan ang hangganan o katapusan ng kasiyahan tinatamasa mo. Huwag mong pigilan ang sarili mo sa tuwa at kung anong nararamdaman mo, ang mahalaga ma pinapahalagahan mo ito. Huwag mong hintayin na kung kelan nawala ay saka ka maghahanap. Hindi na maibabalik ang lahat. Hindi lahat ng “fireworks” ay pare-parehas ng oras sa pagputok, liwanag na maibibigay at pwesto nito sa langit.

May pagkakataong mahaba ang oras bago magsaboy ng liwanag ang mga “fireworks” at meron din mabilisan. May pagkakataong sobrang taas at may mababa lang. Ngunit sa 'finale', sabay sabay silang magliliwanag na parang isang umaga na kay ganda sa dilim ng gabi.

Kahit gaano kahaba o kaiksi ang iyong relasyon, kaseryoso man o hindi, pag-ibig pa din na matatawag ito. Kahit puro away at galit ang tinatamasa mo, nagmamahal ka pa din.

Kung sakaling pinili ng isa't isa na dumaan sa magkaibang daan, huwag kang malungkot at manghinayang. Bagkus alalahanin mo ang magagandang nangyari noong magkasama pa kayo. Hindi mo din masasabi, ang “fireworks” na makikita mo sa mga susunod ay mas maganda at mas maliwanag kaysa sa dati mong natunghayan. Hinihintay ka lang na maappreciate ulit ito at pagmasdan mong ulit.

Ikaw, naenjoy mo ba at pinahahahalagahan mo ba ang “fireworks” sa buhay mo? Hahayaan mo bang mabitin ka sa saya habang nagliliwanag ito sa kalangitan? Subukan mong hawakan ang kanyang kamay para madama niya na pinapahalagahan mo kung anong meron kayo.


Walang masama kung susubukan mong maging masaya habang nasa tabi mo pa siya tulad ng isang “fireworks”.


Love don't give us the promise of forever, but having faith on it makes us believe that there is.

Mga Komento

Kilalang Mga Post